Paano Kiligin Ang Mga Lalaki?



Sa totoo lang, marami akong kaibigang lalaki dahil napapabilang ako sa ilang porsyento ng mga babaeng pinasok na rin ang industriya ng pagmimina. Gayunpaman, kahit ako ay hirap sa pag decode ng tunay na nararamdaman ng isang lalaki kung kilig ang pag-uusapan. Sabi pa ng isa kong kaibigan, Ang tunay na lalaki, hindi kinikilig. Ha! Isang malaking WEH. Dahil diyan naisipan kong magresearch kung paano nga ba kiligin ang mga lalaki. Maraming salamat sa mga friends out there na tumulong para makumpleto ang blog na ito. Libre ko kayong kape 'pag magkita tayo.


Kinikilig daw ang lalaki kapag sila ay kakikitaan ng isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Abot-tengang ngiti. Minsan, namumula pa ang tenga habang nakangiti.
  • Extreme ng point #1. Isang vague smile. Hindi ma-distinguish kung nakangiti o ewan.
  • Saktong ngiti lang. Hindi naman pigil, hindi rin lantaran. Pero sa loob-loob gusto nang sumabog.
  • Parang bata. Dalawang kamay sa bulsa, nakatingin sa taas. Left to right to left body motion with matching sipol o hum ng"la la la.."
  • Ngiting lumalaki ang ilong.. sabay talikod sa kausap.
  • Nakahawak sa leeg o batok, pinipilit na maging casual sa kausap.
  • Ngumingiti ng mag-isa kahit wala namang kasama.
  • Kabaliktarang ugali ang ipapakita. Dismissive.
  • Kabaliktaran ng nasa itaas. Sasabay pa siya sa pang-aasar at tatawa ng malakas.
  • Kapag nagsabi siya ng, "Naiihi ako.."



Maraming paraan kung pano sila kakitaan. Pero ang bottom line ng lahat, kinikilig din sila, at may pakiramdam. Alam kong iilan lang yan sa mga misteryong iniwan ng mga lalaki na 'di natin maunawaan, at hindi matatapos ang listahang ito kung lalaki lang din ang paguusapan.



Ikaw, baka may gusto kang idagdag sa listahan? =D

Comments

Popular Posts