Kamera


Minsan, yung mga pangyayaring tumatatak talaga eh yung mga bagay na nakakalimutang kunan ng kamera. Parang panandaliang naisasantabi yung konsepto ng capture the moment, dahil sa moment na iyon, hindi mo na maaalalang kapain ang bulsa o buksan ang bag at kumuha ng kamera.

Nakapanghihinayang, dahil wala man lang akong souvenir ng masasayang bonding moments natin. Nakagagalak, kasi binibigyan ko yung sarili ko ng chance na ulitin yun sa'yo. Yung masasayang kwento, yung mga hirap na pinagdaanan at pinagtagumpayan, yung mala-slum book na tanong, yung mga getting-to-know you session.



At pag dumating uli yung pagkakataong yun,
alam ko.











Makakalimutan ko nanaman kumuha ng kamera.


















Para magkaron ulit ako ng excuse na makasama ka.

Comments

Popular Posts