Umaapaw


Wala akong perpektong magulang,
Pero 'di iyon dahilan upang 'di sila igalang;
Sa alaga at atensyong binigay niyo sa amin,
kulang nga siguro ang mga yakap at halik na humuhubog sa aming damdamin;
Ngunit nais kong gamitin ang espasyong ito,
Nang maibigay ko ng buong-puso ang pasaalamat sa inyo;
Ma at Pa, walang salitang tutumbas sa pag-ibig kong wagas,
Sana mabasa niyo ito bago tuluyang mawala ang bukas.


 
Mama and Papa
 
 
 

Comments

Popular Posts