Dalawa
Dalawang pares ng paang nag-adventure sa bangka,
Kamusta naman ang mga alon at basa?!
Dalawang makulit na magkaibigan,
Na nag walking trip sa kasagsagan ng ulan
Dalawang malutong na hagikhikan,
Nang magulat kay Manong Guard na nasa sagingan
Dalawang korni nga naman pagnagsama,
Sa knock knock jokes di pumapalya
Ngunit Dalawang beses lang naman kita gusto makasama,
Sa gabi at sa umaga. (weh? HAHAHAHA)
Dalawang gig na ng memory ko anya,
Ang napupuno mo, bruha ka!
DALAWA, DALAWA,
TATLO bawasan ng ISA,
Dalawang buwan na ang nakalipas,
Na di kita NAHAHAMPAS.
845 ng umaga, nasa Binstar ka na
ReplyDeletewala ka siguro magawa
kaya sumulat ka na lang ng tula
Aba dalawang buwan na pala
Nang huli kitang makita
ikaw noon ay mukhang kawawa
habang nakasakay sa lantsa
hilong hilo at nasusuka
gusto ko sana ang tumawa
ngunit nahigitan ito ng awa
Kaya dagli-dagling tinulungan
ang aking magandang kaibigan
Ingat lang kuya Istan bka ka masukaan
aww nasambit ko, okey lang yan
Ayun nauubusan nko ng rhyme
buti na lang its not a crime
Hindi ko alam kung pano tapusin ang tula
kaya ganito bigla na lang mawawala
wahahaha lupet ng hagupet!
ReplyDeletecompetitive ka ah, gumawa ka rin ng tulang patawa. haha!
pwede na tayo sumali sa fliptop chenes kuya. haha miss you!
Walang "Like" option dito, pero ang kagandahan nun, mapipilitan kang mag-comment pag nagustuhan mo yung nabasa mo.
ReplyDeleteAYUS!
hoho solomot pareng ace! :D
ReplyDelete