TIP: Mahalin mo lang!


M-A-T-H.

Apat na letrang kinatatakutan ng mga estudyante, mapa-hayskul man o kolehiyo.



Kung ako ang tatanungin, kahit ako'y natapos sa kursong Engineering, ilang beses ko rin iniyakan ang mga Math Series ko. Tipong akala mo ang galing mo nung hayskul tapos ipamumuka ng teacher mo na napaka-bowakals mo sa subject niya. 


Degrading nga ba tawag dun?


Wala nga sigurong salita ang makakapag-representa sa naramdaman ko noon, o sa kahit sino pa mang estudyante na tila sinusumpa na ang Math (pero sa kwentahan ng allowance, ayown! 'di papagulang. )




Pero dahil natuto na rin ako sa kasabihang,
Love makes everything easy,



pinilit kong mainlab, ligawan at mahalin mula sa kaibuturan ng malambing at mapagpalaya kong pusong cute ang Math. 




Sa sobrang pagmamahal nga, nai-relate ko pa siya sa totoong buhay gaya ng makikita mong larawan sa  baba:





Paalala: Ang mga imahe sa baba ay hiram lamang. Medyo related din kasi sa post ko. 






Comments

Popular Posts